Pag-ibig na naiwan sa nakaraan

(3:56pm Oct. 01 2019)

Humakbang pabalik sa nakaraan

Tumawid sa daan ng alala

Sundan ang Yapak na ating iniwan

Na mag sisilbing mapa ng ating kasaysayan

Sa paghahanap ng pagibig na binaon ng oras

Hawak ko ang kumpol ng alimbukad na sandali

suot Suot ko ang lumang ngiti

Habang naglalakbay sa makipot na lansangan

Humahalimuyak ang pabango ng limot

Umuhip ang hangin at tinganay ang sikreto

At binulong sa harap ng pangalan mo

Iniibig ko heto nanaman ako at kumakatok

Sa nitsyo kung saan pinaghiwalay ang dalawang puso.

2 thoughts on “Pag-ibig na naiwan sa nakaraan

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started